Jee Ick Joo target talagang patayin – PNP

jee

Inamin ng Philippine National Police na target talagang i-assassinate ang Koreanong si Jee Ick Joo kahit nakapagbayad ito ng ramson.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado, sinabi ni Chief Superintendent Glenn Dumlao,  ng Directorate for Investigation and Detective Management ng PNP lumalabas na hindi kidnap for ransom ang tunay na motibo sa pagpatay.

Giit ni Dumlao,  lumabas na gustong patahimikin si Jee dahil sa extortion activities sa Korean community at online gaming activities  nito sa Angeles, Pampanga.

Lumilitaw aniya na ginamit lang na paraan ang kidnapping at paghingi ng ransom.

Sinasabing nakabangga ni Jee ang ilang miyembro ng Korean Mafia kaya inutusan ang ilang pulis at NBI na patahimikin ito.

Samantala, humarap na rin sa imbestigasyon ang may-ari ng Gream Funeral Homes kung saan dinala ang bangkay ni Jee.

Sinabi  ni Gerardo Santiago, tinanggap  nila ang bangkay ni Jee dahil ayon sa mga nagdala ito ay biktima ng Oplan Tokhang.

Pero nang tanungin kung sino ang nag-utos na i-flush sa CR ang abo ni Jee, isinangkalan na ni Santiago ang kaniyang rights against self incrimination.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us: