Jeep na nang araro ng mga motor sa Binondo paso na ang rehistro

Paso na ang rehistro ng pampasaherong jeep na nang araro ng mga motorsiklo sa CM Recto corner Masangkay Street sa Binondo, Maynila kahapon.

Ayon sa LTO, 2017 pa nang huling mairehistro ang nasabing jeep na may plakang PXY 513.

Sa report ng Manila Police District, binabagtas ng nasabing jeep na minamaneho ni Jojit Santiago ang kahabaan ng CM Recto Avenue corner Masangkay Street nang mabangga nito ang ilang motorsiklo na nasa harapan nito.

Sa kuha sa CCTV footage na sa halip na tumigil ay tuloy tuloy lang ang takbo ng jeep kaya nabangga nito ang mga nakatigil na motorsiklo sa harapan hanggang sa bumangga ito sa poste.

Sugatan naman sa aksidente ang mga sakay ng nasabing jeep na kinilalang sina: Elvira Jerez, Gloria Fabit, Angelita Pabit, Urika Albacite, at Rosita Factor.

Sugatan rin ang driver at back ride ng unang motorsiklo na nabangga ng jeep.

Ang jeep naman dinala sa smokey mountain impounding area.

Isasailalim naman sa drug test ang driver ng jeep ngayong araw.

Madz Moratillo

Please follow and like us: