June 11, 2021 idineklarang Special Non-working day sa Rizal province

Idineklara ang June 11, 2021 bilang Special non-working day sa lalawigan ng Rizal.

Ito ay sa bisa ng Proclamation No. 1150 na inilabas ng Malakanyang na may lagda ni Executive Secretary Salvador Medialdea bilang paggunita sa ika-120 Founding Anniversary ng lalawigan.

Dahil sa long weekend, binibigyan ng pagkakataon ang mga taga-Rizal na makiisa at lumahok sa mga aktibidad at seremonya na inihahanda ng lokal na pamahalaan alinsunod sa mga umiiral na Public Health protocol.

Please follow and like us: