Justice Sec. Menardo Guevarra, inatasan ang BuCor na magsumite ng report sa nangyaring riot sa Bilibid

Pinagsusumite ng Department of Justice (DOJ) ang Bureau of Corrections ng report sa nangyaring riot ng dalawang gang sa New Bilibid Prison.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hiniling na niya sa BuCor na agad magpasa ng ulat sa insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, sumiklab ang gulo sa pagitan ng magkaribal na Sputnik at Commando gangs bandang alas -dos y medya ng madaling araw ng Biyernes.

Naganap ang gulo sa East Quadrant ng Bilibid.

Kinumpirma naman ni BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag na may mga nasawi sa riot.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa ugat ng kaguluhan sa pagitan ng dalawang grupo.

Moira Encina

Please follow and like us: