Justice secretary Menardo Guevarra, irerekomenda kay Pangulong Duterte na isang abugado ang italaga bilang bagong Bucor Chief

Nais ni Justice Secretary Menardo Guevarra na isang abogado ang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Bureau of Corrections Director General.

Umaasa si Guevarra na abogado ang hihirangin ng Pangulo kapalit ng nasibak na si Nicanor Faeldon.

Ayon sa kalihim, advantage kapag may legal background o abogado ang Bucor chief.

Marami anyang batas sa correctional system na mas maiintindihan kung abogado ang namumuno sa Bucor.

Hindi rin anya magde-depende ito sa ibang abogado dahil alam na nito mismo ang gagawin.

Sinabi naman ni Guevarra na maaari din na mula sa militar na isa ring abogado o kaya ay pulis na lawyer din ang italaga na Bucor chief ng Pangulo.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *