Justice Secretary Menardo Guevarra, nagtalaga na ng panibagong OIC Prosecutor General

Mayroon nang bagong Acting Prosecutor General ang National Prosecution Service.

Ito ay si Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon.

Sa Department Order 384 na may lagda ni Justice Secretary Menardo Guevarra at may petsang June 29, 2018,  itinalaga si Fadullon bilang OIC Prosecutor General epektibo sa June 30 hanggang sa makapili si Pangulong Duterte ng bagong Prosecutor General.

Si Fadullon ang dating namuno sa DOJ panel of Prosecutors na duminig sa 2009 Maguindanao Massacre Case.

Pinalitan ni Fadullon sa pwesto si Makati City Prosecutor Jorge Catalan Jr.

Una nang inaprubahan ni Guevarra ang kahilingan ni Catalan na mapalitan siya bilang Acting Prosecutor General para mapagtuunan niya ang mga responsiblidad niya bilang City Prosecutor ng lungsod ng Makati.

Samantala, inihayag ni Guevarra na sa mga susunod na araw ay iaanunsyo naman ang mga bagong key appointments sa DOJ.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *