Justice Secretary Menardo Guevarra, naniniwala sa pahayag ni Bucor Chief Gerald Bantag na nagpapatuloy ang panunuhol sa Bilibid

Naniniwala si Justice Secretary Menardo Guevarra na pahayag ni Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag na nagpapatuloy ang suhulan sa New Bilibid Prisons.

Ayon kay Guevarra, mayroong personal knowledge si Bantag sa totoong nagaganap sa Bilibid.

Nakakatiyak ang kalihim na ang mga inmates na may pera ay patuloy na manunuhol sa mga tauhan ng NBP para malayang makagalaw sa kulungan at magawa ang kanilang mga iligal na aktibidad.

Dahil dito, sinabi ni Guevarra na ito ay isang hamon kay Bantag na kailangan niyang mapagtagumpayan bilang pinuno ng Bucor.

Unang inihayag ni Bantag na hindi na siya sinusuhulan ng mga VIP inmates dahil sa takot pero nagpapatuloy ang panunuhol sa ibang mga kawani ng Bucor.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *