Juvenile Justice System orientation, isinagawa sa Cebu

AGILA Probinsya — Isinagawa sa Cebu ang isang orientation seminar kaugnay ng Republic Act No.11630 o Juvenile Justice System.

Ito ay naglalayong mabigyan ng kaalaman ang bawat kalahok tungkol sa batas na pinaiiral sa ating bansa at wastong paghawak ng mga suliranin na may kaugnayan sa mga batang nasa katayuang CAR o Children at Risk ay mga CICL o Children in Conflict with the Law at paggawa ng mga planong ipatutupad upang maproteksyonan at mapangalagaan ang mga karapatan ng mga kabataan.

Ito rin ay upang makamit ang layuning magkaroon ng zero CAR at CICL sa nasabing bayan.

(Agila Probinsya Correspondent Arnulfo Compuesto)

Please follow and like us: