Kadiwa ni Ani at Kita, inilunsad ng Dept. of Agriculture sa Carigara, Leyte

Patuloy na isinasagawa ng Department of Agriculture, katuwang ang Local Government Unit ng Carigara, Leyte ang programang Kadiwa ni Ani at Kita sa kanilang bayan.


Sa paglulunsad ng Proyektong Kadiwa ni Ani at Kita, pinangunahan ito ng mga opisyal ng Sangguniang bayan Carigara kasama ng mga opisyal mula sa Dept. of Agriculture ng mga magsasaka at mangingisda sa kanilang lugar.


Ang proyektong ito ng D.A ay isang uri ng market system, kung saan maibebenta ng mga magsasaka at mangingisda sa bayan ang kanilang mga agricultural product sa abot kayang halaga. 


Layon naman ng programang ito ng Dept. of Agriculture na makatulong at maalalayan ng ahensya ang mga magsasaka at mangingisda sa buong bansa lalo na ngayong panahon na may pandemiya sa bansa dahil sa Covid 19. 


Ulat ni Rose Marie Metran

Please follow and like us: