Kahalagahan ng mga Earthquake drill, binigyang-diin ng NCRPO

Umaasa si National Capital Regional Police Office (NCRPO) Chief Guillermo Eleazar na marami na ang seryosong lalahok sa susunod na Earthquake drill.

Ayon kay Eleazar, ito ay dahil sa naranasan na ng nakararami nating mga kababayan ang panganib na dulot ng lindol matapos ang pagyanig noong Lunes.

Muling binigyang-diin ng NCRPO official ang kahalagahan ng pagsasagawa ng mga earthquake drill.

Kung wala tayong mga Earthquake drill baka hindi ganyan ang ginawa ng ilan noong kasagsagan ng lindol. Pero at least ngayon nangyari kung hindi namn ganung kalakas ay nagmumulat sa atin ang kahalagahan ng mga drills na ito”.- Police Major Gen. Guillermo Eleazar, NCRPO Chief

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *