Kahinahinalang kahon na naiwan sa gitna ng Edsa Shaw sa Mandaluyong…nagdulot ng matinding traffic

Nagdulot ng matinding trapiko ang Northbound at Southbound lane ng Edsa-Shaw sa Mandaluyong city matapos isara sa mga motorista ang nasabing kalye.

Isang kahon kasi ang iniwan sa center island sa ilalim ng EDSA-Shaw Boulevard.

Agad na ring kinordonan ng mga tauhan ng Mandaluyong City police ang naturang kahon.

Pero nang i-detonate ay nakitang pawang styrofoam lamang ang laman ng kahon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *