Kahon kahon ng smuggled na sigarilyo nasabat ng PCG sa karagatang sakop ng Sulu

Kahon kahon ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard habang nagpapatrolya sa karagtang sakop ng Indanan, Sulu.

Ayon sa PCG, nagsasagawa sila ng coastal security patrol ng mapuna ang ML FAIDA.

Sa inspeksyon, walang itong boat captain at wala ring vessel safety certificate na iniisyu ng PCG.

Dito rin nakita ng mga tauhan ng PCG ang 39 master cases ng smuggled na sigarilyo.

Agad naman itong inireport ng coastal security patrol team sa PCG Station sa Sulu para madala ito sa pantalan ng Jolo.

Nakipag-ugnayan rin sila sa Bureau of Customs para sa imbentaryo at proper disposition ng mga smuggled na produkto.

Madz Moratillo

Please follow and like us: