Kaligtasan ng publiko sa bird flu virus pangunahing pinagtutuunan ng pansin ng Malakanyang

Prioridad ng Malakanyang ang kaligtasan at kalusugan ng publiko sa mga apektadong lugar ng bird flu outbreak sa lalawigan ng Pampanga.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella bagamat wala pang naitatalang kaso na nakaapekto sa tao ang bird flu virus mahigpit ang ginagawang monitoring ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Agriculture at Department of Health.

Ayon kay Abella sinisikap ng pamahalaan na sa lalong madaling panahon ay maresolba ang problema.

Inihayag ni Abella mahalaga ang pakikipagtulungan ng mga nasa poultry industry upang matugunan ang krisis na kauna-unahan sa bansa.

Tiniyak din ni Abella na susuportahan ng gobyerno ang mga nasa poultry industry upang makabalik sa export ng mga manok at makabawi sa anumang pagkalugi na idinulot ng bird flu outbreak sa lalawigan ng Pampanga.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *