Kalingang QC sa Negosyo, umarangkada na

Nagsimula nang mamahagi ng ayuda ang Quezon City Small Business and Cooperatives Development Promotions para sa mga nasa maliliit na negosyo ng lunsod.

Sa pamamagitan ito ng programang “Kalingang QC sa Negosyo”.

Isa itong wage relief program ng pamahalaang panglunsod na naglalayong matulungan ang mga may maliliit na negosyo kabilang ang mga sari-sari store owner na naapektuhan ng Covid-19 Pandemic.

Mahigit 300 empleyado ng Micro Enterprises sa lunsod ang naging bahagi ng programa para sa unang batch ng pamamahagi ng ayuda.

Sa ilalim ng tinatawag na Micro Business Enterprise category, mayroon itong 9 na empleyado at may asset size na hindi lalagpas sa 3 milyong piso.

Maaaring magparehistro ang mga kwalipikado sa Kalingang QC wage relief program for Micro Enterprises.

Belle Surara

Please follow and like us: