Kamara nangakong pagtitibayin agad ang priority bills na inilatag ni PBBM sa Ledac meeting sa Malakanyang

Nag-commit ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na agad na aaksiyunan at pagtitibayin ang tatlumpung panukalang batas na inindorso sa ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kaunaunahang meeting ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez mahalaga ang naturang mga panukalang batas na makatutulong sa job creation, health and economic recovery kaugnay sa epekto ng pandemya ng COVID 19.

Sinabi ni Romualdez makikipagtulungan ang Kamara sa Senado para maging prayoridad ang mga inindorsong panukalang batas sa LEDAC Meeting.

Inihayag ni Romualdez ang 20 priority measures na binanggit ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang SONA ay kasama sa 32 Common Legislative Agenda.

Kabilang sa 30-bills na inindorso sa LEDAC Meeting ay ang pagtatayo ng Regional Specialty Hospitals, Valuation Reform Bill, pagtatayo ng Virology Institute at Mandatory Reserve Officers’ Training Corps o ROTC.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.