Kandidato ng PDP-Laban para sa National elections sa 2019, anim na lang….Dating Senador Lito Lapid nanumpa na bilang bagong miyembro ng NPC

Nabawasan na ang mga kandidato ng partido ni Pangulong Duterte na PDP-Laban na tatakbo sa pagka-Senador sa 2019.

Katunayan, sinabi ni PDP- Laban President Aquilino Pimentel na umaabot na lang ngayon sa lima hanggang anim ang kumpirmadong tatakbo pero tumanggi na itong pangalanan.

Noong Agosto, nagsumite ang PDP-Laban ng 24 na pangalan sa Pangulo bilang Chairman ng partido.

Pero karamihan aniya sa mga nasa listahan ay nag-back out kabilang na sina Davao congressman Karlo Nograles habang si Quirino Rep. Dakila Carlo Dax Cua ay tatakbo namang Gobernador ng lalawigan.

I-aanunsyo raw nila ang mga pangalan sa susunod na linggo bago ang paghahain ng Certificate of Candidacy.

Samantala, nanumpa naman sa Nationalist People’s Coaliton si dating Senador Lito Lapid habang sa susunod na linggo tatawid sa NPC si Senador JV Ejercito.

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto na sina Lapid at Sotto ay kabilang sa i-eendorso ng partido sa susunod na linggo.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *