Karagdagan pang 1.5 milyong Sinovac vaccine, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa kaninang pasado alas-7:00 ng umaga ang nasa 1.5 milyong doses ng Sinovac vaccine na binili ng pamahalaan sa China.

Ang mga bakuna na lulan ng Cebu Pacific 5J 671 flight na lumapag sa NAIA Terminal 2 ay sinalubong nina Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. at Health Secretary Francisco Duque III.

Kalahating milyong dito o 500,000 doses ng bakunang ito ay binili ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry (FFCCCI).

Ang Filipino-Chinese community kasama sina Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. at Health Secretary Francisco Duque III matapos salubungin ang mga dumating na bakuna ngayong umaga

Dahil dito, nasa 13.2 milyon na ng iba’t-ibang brand ng bakuna kontra Covid-19 ang nasa bansa.

Please follow and like us: