Karagdagang 17 overseas Filipino, nagpositibo sa Covid-19

Naragdagan pa ang mga Filipino sa ibang bansa na nagpopositibo sa Covid-19.

Ayon sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), 17 karagdagang mga Pinoy ang nahawaan ng virus kaya pumalo na sa 17,099 ang kaso ng Covid-19 sa kanilang hanay.

May naitala ring mga bagong pumanaw na 14 kaya pumalo na sa 1,083 ang death toll.

Ayon sa DFA, lahat ng bagong mga kaso ay mula sa Middle East.

Samantala, nanatili naman sa 10,122 ang recovered cases sa kanilang hanay.

Please follow and like us: