Karagdagang 407 million na sra ng mga healthcare workers, inaprubahan ni Pangulong Duterte

Inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang pagpapalabas ng karagdagang 407 million na pondo para sa special risk allowance ng mga healthcare workers.

Ayon kay Senador Christopher Bong Go ang pondo inatasan na ng pangulo ang DOH at DBM na paspasan ang pagpapalabas ng pondo na kukunin sa 2021 contingent fund.

Sakop aniya ng mga mabibigyan ng SRA ang mga nasa private healthcare institutions at non DOH plantilla personnel na direktang tumutugon o may contact sa mga pasyenteng may COVID-19 mula December 2020 hanggang June 30, 2021.

Sinabi ni Senador Go na chairman ng Senate Committee on health na nagpapasalamat siya sa Pangulo na tinugon nito ang hinaing ng mga medical frontliner.

Meanne Corvera

Please follow and like us: