Karagdagang 582,500 doses ng Astrazeneca vaccine, dumating na sa bansa

Nasa kabuuang 582,500 doses ng Astrazeneca vaccine ang dumating sa bansa ngayong araw.

Ang mga bakuna ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport – Terminal 1, alas-9:20 ng umaga lulan ng China Airlines flight CI701.

Bahagi ang mga bakuna ng 6 milyong doses na binili ng pribadong sektor sa ilalim ng A Dose of Hope Program.

Inaasahang mamayang hapon darating din sa bansa ang nasa 739,200 doses ng Sinopharm COVID-19 vaccine bahagi naman ng isang milyong doses na donasyon ng China.

TL

Please follow and like us: