Karagdagang isang milyong doses ng Sinovac vaccine, dumating na sa bansa ngayong umaga

Karagdagang isang milyong doses pa ng Sinovac vaccine mula China ang dumating sa bansa ngayong umaga.

Ang mga bakuna ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) alas-7:25 kanina lulan ng Cebu Pacific Flight 5J 671.

Sinalubong nina Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez at testing Czar Vince Dizon ang mga dumating na bakuna.

Dahil sa mga dumating na bakuna nasa 10.3 milyong doses na ng iba’t-ibang bakuna ang dumating na sa bansa.

Sinabi ni Galvez na sa June 17 ng taong ito inaasahan mayroon pang darating na 1.5 milyong Sinovac vaccine.

Mamayang gabi naman ay inaasahang darating din sa bansa ang karagdagan pang 2 milyong Pfizer vaccine.

Ang mga dumating na Sinovac vaccine ay dinala na sa Pharmaserv Warehouse sa Marikina City.

Please follow and like us: