Kaso ng Covid-19 sa bansa umakyat na sa 356,618; Panibagong mga kaso naitala ng DOH sa 2,379

Umakyat na sa 356,618 ang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), ito’y matapos makapagtala ng 2,379 na bagong mga kumpirmadong kaso.

Mula sa mga bagong mga kaso, nananatiling ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na kaso kung saan naitala ang 444 o 28% na new cases.

Sumunod ang Region 4A na may 317 o 20% na bagong mga kaso at Region 3 na may 181 o 11% na bagong mga kaso.

Samantala, nakapagtala naman ang DOH ng panibagong 14,941 recoveries kaya nasa 310,158 na ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa Covid-19.

Please follow and like us: