Kaso ng Covid-19 sa buong mundo, umakyat na sa mahigit 68 million

Mahigit na sa 68 milyon ang kaso ng Covid-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, naitala sa kabuuang 68,541,677 ang global Covid-19 cases.

Samantala, mahigit sa 201,000 ang naitalang bagong kaso sa Amerika.

Sa India ay mahigit naman sa 32,000 ang nadagdag sa bagong mga kaso at sa Brazil ay nasa mahigit 47,000 ang naitala.

Sa Russia ay nakapagtala namang ng jaragdagang 26,000 mga bagong kaso.


Please follow and like us: