Kaso ng COVID-19, tumaas ng 30.4%

Tumaas ng 30.4% ang naitalang kaso ng COVID- 19 sa bansa nitong nakalipas na linggo.

Ayon sa Department of Health, mula June 6 hanggang 12, nasa 240 ang average daily cases na kanilang naitala.

Sa kabuuan, may 1,682 bagong kaso ng Covid 19 sa bansa nitong nakalipas na linggo.

May 8 namang kaso ng severe at kritikal ang naitala at 5 bagong nasawi.

Pero sa 5 na ito, 2 lang ang nasawi nitong Hunyo at inaalam pa ang petsa ng tatlo.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us: