Kaso ng mga Covid-19 infection sa MPD, bumaba na

Bumaba na ang mga kaso ng Covid-19 infection sa hanay ng mga tauhan ng Manila Police District.

Sa datos ng MPD, bumaba na sa 83 ang bilang ng kanilang mga tauhan na nagpositibo sa virus.

Ayon kay MPD Director Brig. Gen. Leo Francisco, sa 83 na ito ay 79 ang naka-quarantine.

Habang ang dalawa naman ay naka-confine sa ospital habang 2 ang naghihintay na mailipat sa Quarantine facility.

Ang 11 sa mga ito aniya ay Police Commissioned officer, 66 ang Police non-commissioned officer at 6 na Non-uniformed personnel.

Umabot naman na sa 757 ang bilang ng mga nakarekober mula sa Covid- 19.

May lima naman ang nasawi.

Madz Moratillo

Please follow and like us: