Kaso ng pagkamatay ng manok sa Nueva Ecija dahil sa bird flu virus, kinumpirma ng DA

Kinumpirma ni Agriculture Secretary Manny Pinol na may mga naitalang kaso ng pagkamatay ng manok sa Nueva Ecija dahil sa bird flu virus.

Ayon kay Pinol, ang mga namatay na manok ay isinasailalim na sa laboratory test at posibleng ilabas ang resulta mamayang hapon.

Sa ngayon, nagpatupad na sila ng one kilometer radius quarantine partikular na sa mga bayan ng Jaen at San Isidro.

Papatayin na rin aniya ang lahat ng poultry products sa mga apektadong

farm kabilang na ang manok, itik at iba pang ibon.

Nagdeploy na rin aniya ng mga sundalo para tulungan ang mga poultry

farmers sa Nueva Ecija.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *