Kian Lloyd Delos Santos, inilibing na

Inilibing na si Kian Lloyd Delos Santos, ang disi-siyete anyos na binatilyong napatay ng mga pulis sa drug operation sa Caloocan City.

Bukod sa pagdagsa ng mga nakikiramay,  nagtungo rin sa libing ng binatilyo ang ilang mga grupong nagsagawa ng kilos protesta gaya ng Migrante at Bayan Muna.

Sa pamamagitan ng noise barrage at mga hawak na placards, isinigaw ng mga grupo na itigil na ang Extra Judicial killings sa bansa at ang sistema ng War on Drugs ng kasalukuyang administrasyon.

Isinigaw rin ng mga kaanak ni Kian ang hustisya.

 

Pasado alas dos na ng hapon nang mailibing ang mga labi ni Kian matapos ang ilang oras na martsa mula sa Sta. Quiteria, Caloocan city hanggang sa La Loma cemetery.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *