Konstruksyon ng Lung Center Modular Hospital, inaasahang matatapos ngayong second quarter

Minamadali na ang pagtatayo ng off-site Modular hospitals sa Lung Center of the Philippines.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, karagdagang limang cluster units ang itatayo upang makatulong sa Healthcare capacity ng pagamutan.

Mayroon itong karagdagang 110 kuwarto para sa mga pasyente ng Covid-19 na nasa moderate, severe at critical cases.

Ayon sa DPWH Task Force, ang apat na units ay may 88 beds habang ang isangunit ay may 22 bed capacity at magsisilbing Intensive care unit.

Please follow and like us: