Korte Suprema inatasan ang lahat ng trial court sa bansa na magsumite ng ulat ukol sa lahat ng mga nakabinbing PCSO cases

Inatasan ni Court Administrator Jose Midas Marquez ang lahat ng mga hukom sa bansa na magsumite ng ulat sa estado ng mga kasong may kaugnayan sa PCSO.

Sa OCA Circular No. 133-2019, binigyan ni Marquez ng hanggang August 15 ang mga trial court judges at branch clerks of court para isumite ang kanilang ulat.

Partikular na ipinasusumite ng OCA ang mga PCSO cases na inihain mula Enero 2018 hanggang sa kasalukuyan.

Ayon sa Supreme Court Public Information, ipinalabas ang kautusan kasunod ng seryosong alegasyon ng malawakang katiwalian sa operasyon ng PCSO gaya ng lotto at small town lottery.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *