Korte Suprema, namigay ng relief goods sa mga kawani ng hukuman sa Quezon City na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal

Muling namahagi ng relief goods ang Korte Suprema sa mga kawani ng Hudikatura na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Sa pagkakataong ito ang mga Court employees ng Quezon City Regional Trial Courts at Metropolitan Trial courts na mga residente ng Batangas ang binigyan ng donasyon ng Supreme Court.

Pinangunahan ni Chief Justice Diosdado Peralta ang pamimigay ng mga relief goods.

Ang mga donasyon ay nagmula sa mga mahistrado, opisyal at kawani ng Korte Suprema.

Noong nakaraang linggo nakatanggap din ng donasyon ang mga SC employees na naapektuhan ng kalamidad.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: