Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON, lagpas 200,000 na

Lagpas na sa 200,000 ang kumpirmadong nahawahan ng COVID-19 sa CALABARZON.

Sa pinakahuling datos ng DOH Center for Health Development- CALABARZON, kabuuang 200,409 ang confirmed cases ng virus sa rehiyon habang 183,130 ang mga nakarekober na.

Ito ay matapos madagdagan ng 271 bagong kaso ng COVID habang 136 pasyente ang bagong gumaling sa Region IV-A

Umaabot naman sa apat ang bagong pumanaw kaya 6,012 na ang namatay dahil sa COVID sa rehiyon.

Kaugnay nito, umaabot na lamang sa 11,267 ang aktibong kaso ng sakit sa CALABARZON.

Patuloy na hinihimok ng mga opisyal ng DOH CALABARZON ang publiko na mahigpit na sundin ang minimum health protocols at magpabakuna laban sa COVID bilang pag-iingat laban sa virus.

Moira Encina

Please follow and like us: