Kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa Santa Rosa city, Laguna, umabot na sa mahigit 1,000

Lagpas na sa 1,000 ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa Santa Rosa city, Laguna.

Sa tala ng City Government, umabot na sa 1,069 ang bilang ng mga nagpositibo sa Covid sa lungsod.

Ito ay matapos na maragdagan ng 36 ang nahawaan ng virus.

May panibagong gumaling naman na 23 pasyente.

Sa kabuuan, 562 na lamang ang aktibong kaso sa lunsod dahil nakarekober na sa sakit ang 486 habang pumanaw naman 21.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: