Kumpirmasyon ni Health Secretary Francisco Duque, lusot na sa Commission on Appointments

Nakalusot na sa Commission on Appointments bilang kalihim ng Department of Health (DOH) si Francisco Duque III.

Sa kabila ito ng tangkang pagharang ng tatlong oppositors sa kanyang
appointment.

Mayorya sa mga miyembro ng CA ang pumabor sa kumpirmasyon ni Duque bilang bagong kalihim ng DOH kapalit ni dating Secretary Paulyn Ubial na nauna nang ni reject ng CA.

Sa endorsement sa plenaryo ni Senador Gregorio Honasan, chairman ng Senate Committee on health, tiniyak nito na may kakayahan at integridad
si Duque para protektahan ang kalusugan ng mga Pilipino lalo na sa
pinangangambahang panganib sa kalusugan dulot ng Dengvaxia.

Ito na ang ikalawang termino ni Duque bilang kalihim ng kagawaran, matapos maupo na rin sa parehong pwesto sa ilalim ng administrasyong Arroyo.
Ulat ni Meanne Corvera
===  end ===
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *