Kurapsyon sa Duterte administration hindi na nakapagtataka – Sen. Trillanes
Hindi na nakapagtataka na may mga opisyal ng gobyerno na nasasangkot sa anomalya dahil sa umano’y talamak na katiwalian sa Duterte administration.
Ito ang paniwala ni Senador Antonio Trillanes kasunod ng pagsibak ng Pangulo kay DILG Secretary Ismael Sueno.
Katunayan, sinabi ni Trillanes hindi lang aniya sina Sueno at dating campaign spokesman nito na si Peter Lavina ang nadawit sa kaso ng kurapsyon.
Tinukoy ni Trillanes sina Justice Secretary Vitaliano Aguirre na nadawit sa 50 million bribery scandal sa Bureau of Immigration at ang actor na si Cesar Montano na operating officer ng Tourism Promotions Board na kapwa hindi rin pinapanagot ng Pangulo.
“What I’m saying is rampant ang corruption ngayon. We have been identifying senior officials of this administration na engaged in corruption, pero hindi naman ginagalaw. Pero ito komo convenient na tatanggalin pero makikita mo they are very careful na sabihin ‘loss of trust’ lang ang reason. Di ba? Kasi nga naman, kung didiinan nila ng husto, baka mag salita yan. Ngayon, kung meron naman talagang na discover silang illegal, bat di nila kasuhan? Bat nila tinanggal lang”. – Sen. Trillanes
Ulat ni: Mean Corvera