Labi ng hazing victim dumating na sa Zamboanga City

Dumating na sa Zamboanga City ang labi ni John Matthew Salilig, ang 3rd year student na namatay sa hazing sa Imus,Cavite.

Sakay ng C130 Plane ng Philippine Air Force ang labi ni salilig na lumapag sa Edwin Andrews Air Base, sa Barangay Sta Maria Zamboanga City.

Sinalubong ng mga kaanak, kakilala, kaibigan at maging ng mga opisyal ng lungsod ang pagdating ng labi ni Salilig.

Ayon kay Ginoong Joeffrey Salilig ang ama ng biktima, dapat maging halimbawa sa mga kabataan ang masamang sinapit sa kaniyang anak sa pagsali sa fraternity.

Labis naman ang panghihinayang ng pamilya Salilig sa pagkawala ni John Matthew.

Nakatakdang ilibing si John Matthew sa Sabado Marso 4 .

Ely Dumaboc

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *