Labor secretary Silvestre Bello III, sumalang sa Public interview ng JBC para sa Ombusman position….nilinaw na walang nakabinbing anumang kaso laban sa kaniya sa Ombudsman

Nilinaw ni  Labor Secretary Silvestre Bello III sa JBC na wala nang nakabinbing kaso laban sa kanya sa Office of the Ombudsman.

Sa public interview ng JBC, sinabi ng kalihim na naresolba na  ng Tanggapan ng Ombudsman ang mga kinakaharap niyang mga kaso at ang desisyon ay pabor sa kanya.

Ipinakita rin sa media ni Bello ang clearance mula sa Office of the Ombudsman na may lagda ni Graft Investigation Officer I Ma. Agnes Forteza na nagsasabing wala nang pending na kasong administratibo at kriminal laban sa kanya.

Una nang napaulat na diskwalipikado si Bello sa pagiging Ombudsman dahil sa mga kaso laban sa kanya sa Tanggapan ng Ombudsman.

Sa ilalim ng JBC rules, ang sinomang may pending na kaso ay diskwalipikado na ma-nominate o mahirang sa anomang judicial posts, o bilang Ombudsman at Deputy Ombudsman.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *