Lalaki na nakipaglamay, patay sa pamamaril sa Quezon City

Nakikipaglamay at nakikipaglaro lamang ng sugal si Michael Nadayao matapos na barilin ng malapitan sa ulo ng hindi pa kilalang suspect sa Talanay Area -C, Livelihood st. Barangay Batasan Hills, Quezon City kaninang madaling araw.

Hindi makapagsalita ang marami sa mga residente sa lugar sa takot sa nangyari.

Ang pamilya ng biktima hindi makapaniwala sa sinapit nito dahil wala naman itong posibleng nakakaaway at hindi din umano ito gumagamit ng shabu.

Bukod sa pinatay , ninakaw pa ang cellphone at bag ng biktima.

Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala ng hindi pa tukoy na baril.

Galit na galit naman ang mga kaanak ng biktima sa gumawa ng pagpatay kay Michael.

Samantala, blangko nananatiling ang mga kaanak at mga otoridad sa motibo sa pagpatay sa biktima.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *