Lalaki patay sa pamamaril ng riding in tandem sa Magpet, North Cotabato

Isang lalaki ang patay sa pamamaril ng riding in tandem kaninang pasado alas 5 ng hapon sa bayan ng Magpet, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Ronel Galapo na isang retired army.

Habang papauwi na ang biktima mula sa pamamalengke ay sinundan na pala ito ng dalawang lalaking sakay din ng motor, at nang nakahanap ng tiyempo, saka pinagbabaril ng mga suspek ang biktima sa may kanto malapit sa kanilang bahay.

Batay sa pahayag ng tiyahin ng biktima na nakasaksi sa pangyayari, nakarinig na lamang sya ng 5 putok ng baril na akala niya’y simpleng firecrackeres lamang.

Nakita rin nya ang mga suspek sakay ng motor papalayo sa crime scene na diumano tinangay pa ang nakasukbit na baril ng biktima.

Pagkatapos nakita na niya lang na nakahandusay na ang bangkay ng kaniyang pamangkin.

Nagtamo ng bala sa ulo at dibdib ang biktima sanhi ng agarang pagkamatay.

Sa kasalukuyan ay wala pang malinaw na motibo sa krimen ayon sa mga pulis.

Inaalam pa kung ito ba ay may kinalaman sa pagkilos ng NPA o di kaya ay may kinalaman sa iligal ng droga.

Ulat ni James Franco

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *