Lawak ng korapsyon sa PCSO, ibubulgar ni Pangulong Duterte

Pangangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga personalidad na nasa likod ng malawakang korapsyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo pagkatapos ng malalimang inbestigasyon malalaman ng publiko kung sino-sino ang sangkot sa anomalya sa PCSO.

Ayon kay Panelo hindi maglalabas ng closure order ang Pangulo sa operasyon ng PCSO kung walang matibay na basehan ng nagaganap na katiwalian.

Inihayag ni Panelo sasaluhin ng Office of the President at Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR ang pagbibigay ng medical assistance sa mga mahihirap na umaasa sa tulong ng PCSO.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *