Learning Modules, sinimulan nang ipamahagi para mga estudyante ng Holy Spirit Nat’l High School

Ilang araw na lamang bago ang opisyal na pagbubukas ng klase ngayong  School  Year 2020-2021, namahagi na ng Learning Packets para sa modular learning ang Holy Spirit National High School  sa Quezon City.

Nasa 2,000 estudyante ang  inaasahang mabibigyan ng naturang modules. Bawat section ay may iskedyul o kaukulang oras nang pagkuha ng module para masunod ang health at safety protocols.

Kaya naman mahigpit na ipinatutupad ang social distancing, pagkuha ng body temperature,  paghuhugas o pag-sanitize ng kamay at may nakalaan din na tracing contact slip na sasagutan ng mga magulang ng mga mag-aaral.

Bawat module na iuuwi ay may maayos na lalagyan at Ito ay dalawang linggo nilang gagamitin.

 Pagkatapos ay ibabalik ito sa paaralan kasabay nang pagkuha ng panibagong module na gagamitin ng mga estudyante.

Retchel Micu

Please follow and like us: