LGU Carmona Cavite tumanggap ng parangal mula sa Civil Service Commission

Ginawaran ng Civil Service Commission o CSC ng Bronze Medal Award ang Carmona Municipal Gov’t. 


Ibinigay ang parangal dahil sa kahusayan ng pagpapatupad nito pagdating sa human resource management systems sa kanilang LGU.


Ikinatuwa naman ito at ipinagpasalamat ni Carmona Cavite Mayor Atty. Roy Loyola dahil sa pagkilala na ibinigay sa kanila.


Ayon sa alkalde, ang Carmona ang kauna-unahang bayan na nabigyan ng ganitong klase ng parangal sa buong lalawigan ng Cavite.


Sinabi pa ng alkalde na Magsisilbi din aniyang inspirasyon ang nasabing parangal upang mas lalong pagbutihin ng kanilang Pamahalaang Bayan ang kanyang mga serbisyo, programa, at proyekto para sa bayan.

Ulat ni Jet Hilario


Please follow and like us: