Libreng bakuna ipinagkaloob sa mga Senior Citizens ng Quezon City

Pinagkakalooban ng libreng bakuna kontra pneumonia at flu ang mga Senior Citizens ng Quezon City.


Bahagi ito ng paggunita sa pagdiriwang ng Elderly Filipino week sa lungsod
layunin ng naturang aktibidad na bigyang proteksyon ang mga Senior citizens laban sa mga nabanggit na sakit lalo na ngayong Pandemya.


Sinabi ni Mayor Joy Belmonte na nag-iikot  ang mga healthcare workers ng bawat Barangay sa lungsod upang lalo pang mapalakas ang kampanya kontra Covid-19.


Bukod sa libreng Pneumococcal at Flu vaccine, binibigyan din ang mga Senior citizens ng tig-dalawang washable facemask na magagamit nilang proteksyon laban sa Covid-19.


Belle Surara

Please follow and like us: