Libreng Birth Certificate, Passport, TIN ID, Barangay at NBI clearance para sa new graduates, isinulong sa Senado

Isinusulong sa Senado ang panukalang gawing libre para sa mga bagong college graduates ang pagkuha ng birth certificate, passport, tin id, barangay at NBI clearance at iba pang requirements sa paghahanap ng trabaho.

Ayon kay Senador Sonny Angara, ang may akda ng Bill of Rights for new graduates, layunin nitong makatulong sa mga katatapos pa lamang sa kolehiyo.

Nakasaad sa nasabing panukala na sila ay magiging sponsored members ng SSS, Philhealth at PAGIBIG, hind rin sila pagbabayarin ng contributions sa loob ng isang taon mula sa araw ng kanilang pagtatapos.

Gayundin, hindi rin sila pagbabayarin ng travel tax at airport terminal fees at patuloy na magiging sakop ng student fare sa nasabing panahon.

Magiging libre rin ang pagkuha ng business o self-employment permit kung binabalak naman nilang mag-negosyo.

Please follow and like us: