Libreng Edukasyon para sa mga batang may kapansanan, isinulong

Isinusulong ni Senador Sonny Angara ang panukalang batas na mabigyan ng  libreng edukasyon ang lahat ng batang may kapansanan sa buong bansa.

Sa Senate Bill 1331, inirekomenda ni Angara ang pagtatayo ng Inclusive Education Learning Resource Centers sa lahat ng  mga pampublikong eskwelahan.

Layon nitong makatiyak na  lahat ng kabataan na may kapansanan ay makatutuntong nang libre sa mga  paaralan mula kindergarten hanggang sekondarya.

Kabilang na rito ang mga batang may neuropsychological retardation,  may learning disabilities; autism, emotional or behavioral disorder; may diperensya sa pandinig at paningin; mga may kapansanang pisikal at iba pang di pangkaraniwang kalagayan.

Sa panukala, ang mga batang may kapansanan ay bibigyan ng scholarship, allowance at libreng transportasyon, pagkain, libreng aklat at maaari ring sumailalim sa student loan programs, training programs, at iba pang insentibo na may kinalaman para sa kanyang edukasyon.

=== end ===

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *