Libreng sakay ng Manila LGU para sa mga naapektuhan ng transport strike tuloy parin

Sa ikalawang araw ng tigil pasada, marami rami na ang bumabiyaheng mga jeep sa Maynila kumpara kahapon.

Sa kabila nito, tiniyak ng Manila LGU na tuloy parin ang kanilang pagbibigay ng libreng sakay para sa mga kababayan nating maaapektuhan.

Ayon sa Manila LGU, kahapon nasa higit 8 libong pasahero ang kanilang naserbisyuhan.

Mahigit 300 transport vehicles umano ang kanilang idineploy sa ibat ibang ruta sa lungsod.

Tatagal ito hanggang sa Sabado Marso 11.

Ang libreng sakay ay mula 5AM hanggang 10AM at 4PM hanggang 10PM.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *