Liderato ng Kamara , nagpasalamat kay PBBM sa paglagda sa Sim card registration Law

Ganap nang mabibigyan ng proteksyon ang mga cellphone users sa bansa matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Sim Card Registration Law o Republic Act 11934.

Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez ang Sim Card Registration Law ang kauna-unahang batas na produkto ng 19th congress na pinirmahan ng Marcos Jr. administration.

Ayon kay Romualdez sa pamamagitan ng Sim Card Registration Law matitigil na ang modus ng mga scammer na bumibiktina ng mga cellphone users.

Inihayag ni Romualdez napagtibay na ng Kamara at Senado ang Sim Card Registration Bill noon pang 18th congress subalit ibinasura ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.