Liderato ng Kamara nagtalaga na ng caretaker sa 1st Congressional district ng Valenzuela city

Si Congressman Wilfredo Mark Enverga ang itinalaga ng Kamara bilang caretaker ng 1st Congressional District ng Valenzuela.

Ito ay matapos mabakante ang posisyon nang tanggapin ni dating Congressman Rex Gatchalian ang pagiging kalihim ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Si Enverga ay kinatawan ng unang distrito ng Quezon.

Samantala, pormal nang natanggap ng Kamara ang letter of resignation ni Gatchalian bilang kinatawan ng 1st district ng Valenzuela.

Nagbitiw na rin si Gatchalian bilang Chairman ng House Committee on Local Government.

Sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso inihayag na aalisin na ang pangalan ni Gatchalian sa roll of members ng House of Representatives.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *