Liga ng Transportasyon at Operators hihirit ng P10 fare increase sa mga jeepney

 

Maghahain ngayong araw ang grupong LTOP o Liga ng Transportasyon at Operators ng P10 fare increase sa mga jeepney.

Ayon kay Orlando Marquez, Pangulo ng LTOP, malaki na ang itinaas sa presyo ng diesel mula nang ipako sa P8 ang minimum na pasahe sa mga jeepney kaya’t nagkaisa na ang mga transport group para igiit ang umento sa pasahe.

Bukod sa LTOP, kasama rin sa petitioners ang FEJODAP ni Zenaida Maranan, Pasang Masda ni Obet Martin, ACTO ni Efren de Luna at ALTO-DAP ni Melencio Vargas.

Iginiit ng transport groups na malaki na ang itinaas ng presyo ng diesel mula nang itakda ang walong pisong minimum na pasahe maliban pa sa mataas na halaga ng mga piyesa.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *