Light Rail Manila Corporation bukas sa pagkakaroon ng business partners

Bukas ang pamunuan ng Light Rail Manila Corporation sa pagkakaroon ng business partners para mapataas ang kanilang kita at mapabuti ang kanilang operasyon.

Sinabi ni LRMC President at CEO Rogelio Singson, makabubuti ito para sa mga pasahero dahil hindi na kailangan pang humirit ng dagdag pasahe para sa maintenance ng nasabing transport system.

Aniya sa pamamagitan ng partnership sa mga pribadong kumpaniya, magkakaroon ng tatlumpung porsyentong pagtaas sa kanilang kita na siyang babalikat sa mga gastusin nito.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *