Lima pang Filipino sa ibang bansa, nakarekober sa Covid-19

Lima pang Filipino abroad ang gumaling sa Covid-19.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), lumalabas na dahil sa karagdagang mga nakarekober, pumapalo na sa 7,492 ang recovery cases sa Covid-19 ng mga Pinoy overseas.

Samantala, anim naman ang naragdag sa kaso ng Covid-19 kaya umakyat na sa 11,573 ang kabuuang kaso ng Covid-19.

Wala namang naitalang bagong mga pumanaw sa karamdaman kaya nananatili sa 843.

Ang Middle east at Africa ang naitalang may pinakamaraming Covid-19 cases na nasa 7.535; ang recoveries ay naitala sa 4,657 at ang death toll at nasa 549.

Ang Estados Unidos naman ang naitalang may pinakakaunting kaso at mga nakarekober na nasa 830 at 520.

Sa Asia and the Pacific naman ay nasa 9 ang namamatay sa Covid-19 sa hanay ng mga Filipino abroad.

Please follow and like us: